My Lyrics

Online Library Lyrics

  1. Home
  2. Lyric
  3. Regine Velasquez
  4. Regine Velasquez - Tuwing Umuulan

Regine Velasquez - Tuwing Umuulan

Regine Velasquez - Tuwing Umuulan

La la la la la la la la
Pagmasdan ang ulan
Unti-unting pumapatak
Sa mga halama't mga bulaklak
Pagmasdan ang dilim
Unti-unting bumabalot
Sa buong paligid t'wing umuulan
Kasabay ng ulan bumubuhos
Ang yong ganda
Kasabay rin ng hanging kumakanta
Maari bang huwag ka nang
Sa piling ko'y lumisan pa
Hanggang ang hangi't ula'y

Tumila na
Buhos na ulan aking mundo'y lunuring tuluyan
Tulad ng pag-agos mo
Di mapipigil ang puso kong
Nagliliyab
Pag-ibig ko'y umaapaw
Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka
Pagmasdan ang ulan
Unti-unting tumitila

Ikaw ri'y magpapaalam na ahh
Maari bang minsan pa
Mahagkan ka't maiduyan pa
Sakbibi kat ulan lamang ang saksi
Minsan pa ulan bumuhos ka
Huwag nang tumigil pa
Hatid mo ma'y bagyo
Dalangin ito ng puso kong Sumasamo
Pag-ibig ko'y umaapaw
Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka

La la la la la la la la la la la la la la la la

Maari bang minsan pa
Mahagkan ka't maiduyan pa
Sakbibi kat ulan lamang ang saksi
Buhos na ulan aking mundo'y lunuring tuluyan
Tulad ng pag-agos mo
Di mapipigil ang puso kong
Nagliliyab
Pag-ibig ko'y umaapaw
Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka
Minsan pa ulan bumuhos ka
Huwag nang tumigil pa
Hatid mo ma'y bagyo
Dalangin ito ng puso kong Sumasamo
Pag-ibig ko'y umaapaw
Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka

La la la la la la la la la la la la la la la la ohh hey...